percolating.write.now

digging for words from the back of my mind

Hiwalayan Blues Ba? 10 July 2008

Filed under: Devotionals — iamlizza @ 3:54 am

Naayon ba sa kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa? – Marcos 10:2

Habang tumatanda ako, nagkakaroon ako ng takot sa pag-aasawa.  Karamihan sa mga kapitbahay at kamag-anak kong may asawa, nauuwi sa hiwalayan blues.

Gusto kong mag-asawa, pero paano ako makakasigurong hindi kami maghihiwalay? Nang magkaroon ako ng personal na relasyon sa Panginoon, lalo akong nalito.  Hindi dapat magkahiwalay ang dalawang pinag-isa ng Diyos. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako madaling magtiwala sa Panginoon. Sigurista ako at gusto ko, na kapag may sinabi sa akin ang Ama, magkakaroon ako ng kasiguruhan na magaganap ito.

Hanggang natutok ang pansin ko sa larawan ng isang mag-asawa. Ipinaalala Niya na ang simbolo ng relasyon natin sa Panginoon ay yaong larawn ng isang mag-asawa: si Hesus ang nobyo at ang Simbahang Katolika ang nobya.  Tapat ang Panginoon sa Kanyang iniibig.  Siya ma’y nangako sa akin kailanma’s ‘di Niya ako malilimutan o tatalikuran.

Kasal ng pala ako sa Panginoon at katapatan ang pangako Niya sa akin. Bakit ako magdududa? anuman ang batas na itinalaga Niya, Siya ang unang magpapairal nito. – Lizza V.

Pagninilay: Handa ka na bang makipag-isang dibdib sa Panginoon ng langit at lupa? Ihanda ang iyong sarili sa tindi ng pagmamahal Niya. Grabe talaga!

Panginoon, turuan Mo akong tanggapin ang anumang nais Mo para sa kin; Buong kababaang loob na susundi ko sa abot ng aking makakaya.

Reflection written for the 25 February 2000 Catholic reading (Jms 5: 9-12; Ps 103:1-4, 8-9, 11-12; Mk 10:1-12)), published in Gabay, a daily devotional in Filipino published by the Shepherd’s Voice Publications.

 

Leave a Reply